Google

Saturday, February 9, 2008

Paano ba Mahalin at Magmahal

Paano ba mahalin at magmahal? Sabi nila masarap daw magmahal paano kung di ka mahal ikaw lang nagmamahal. Paano mo maiipakita ito sa kanya di ka mapapahiya at di sia magmamalaki.
Minsan kaibigan mo din nagiging daan para malaman ng mahal mo sia, na di ka mapapahiya totaly di galing saiu. Pero kaibigan din minsan ang magpapahamak saiu para masira ka sa mahal mo.

Mas masarap na pareho kau nag mamahalan maganda ipakita na pareho nyo mahal ang isat-isa
at dun makikita nyo may nababago sainu na di nyo nalalaman tulad ng pagigimatured na babago ang behavior. Hay buhay! pag inlove ka lagi ka masaya pero pag nagaway kau para ka tuliro at sira ang mood. pakiramdam mo galit ka sa mundo.

Alam mo pag inlove ka pati kiss nia masarap saiu pero wala naman lasa yun....pag mahal mo tanggap mo kung ano meron sa kanya kahit di tanggap ng iba. Yun amoy nia yun ginagawa nia
na sa tingin ng iba di maganda. Ganun pala ang in-love bulag at bingi. Minsan nakatawa ang
tao inlove nangangarap ng gising. marami plano gusto gawin para ang mahal nia lagi masaya.

Ikaw ba ganyan ka magmahal? Mahalin at Magmahal iisa lang ang pinupuntahan nian malas mo
lang kung ikaw lang nagmamahal, kaya dapat magiiwan ka ng space para sa puso mo ng konti
pagmamahal sa sarili mo. Kaya sakin oki din minsan nag kakaroon ng argue para dun mo makikita ang ugali ng iyong minamahal. Dahil pag Boyfren palang tago pa ang ugali lalo na bago palang kau nagsisimula. Basta sa taong nagmamahal magtira sa puso mo ng space para mahalin mo rin sarili mo wag mo ibuhos lahat kung di pa ikaw secured sa relation nyo.

Ito payo lang sa taong nag mamahal at minamahal.

Saturday, February 2, 2008

Buhay Babaeng Asawa daw parang tsinelas .....

Mga kumare may bago ako topic sainyu payag ba kau ihantulad sa tsinelas? Ako ayaw ko pero parang tutuo kasi ibang lalaki mahilig talaga mamangka sa dalawa ilog "kasabihan". Sabi nila
pag lalaki daw nasa labas ng bahay buhay binata at oki lang sa kanila makipag "flirting" sa iba.

Tulad ng may mga "kabit" na or number two.... sabi ng matatanda ang asawa daw kahit daw lumilipad sa ibang pugad uuwi parin daw sa inahin... sa bago kasabihan naman daw sa panahon ng taon 2008 kahit ano bago sapatos daw gamit ng asawa...uuwi parin sa bahay sa tsinelas parin
ang gamit. Minsan ang mga kasabihan ay tutuo tintulad sa bagay ang buhay ng tao.

Tulad sa sinabi ko, ang bago sapatos lagi mo ginagamit nilalabas pinagmamalaki, pero pag uuwi na sa bahay hinuhubad pinapalitan ng tsinelas kahit ito luma na. Ganun daw ang asawang babae
na legal, kahit ang asawa kumakaliwa uuwi at uuwi parin sa tunay na pamilya. Mahirap tanggapin pero natutulad talaga sa mga bagay tulad ng sapatos at tsinelas ang buhay ng tao.

Pero ngayon meron na "woman right sa sa pinas at annulment" at matatapang na rin mga kakabaihan at matatlino na kaya minsan ang kasabihan ng matatanda dina pinapaniwalaan ng
mga kakababaihan. Umiiral na yun power of woman kasi nagagawa na ng babae ang nagagawa
ng lalaki "tama ba ako". Ang tingin ko mas mayaman na ang babae sa mga kalalakihan dahil
mas marami na offer na work sa mga babae sa ibang bansa. Mga pare kew wag kau magagalit
opinion lang to sa mga lalaki kaliwete.......hehehe (tamaan wag magagalit).