Topic para sa pinoy na mga T.N.T sa lahat ng bansa. Pasensya na mga kabayan sa topik ko
di ako againts sa inyo bakit gusto nyo mag T.N.T sa bansa dahil may kanya kau rason respeto
ko na yun sainyo, pero para sakin lang naman opinion lang lalo na yun mga nasa goverment pinadala sa bansa para ayusin mga problema ng mga kapwa pinoy na di T.N.T.
Sample lang d2 sa japan dami bilog d2 nagsisikap mag trabaho at magtago para di sia mahuli
oki naman d2 di mahigpit pero nakakaawa naman paano kung wala trabaho mapasukan mga
bilog or T.N.T na parang homeless sila pilit naghahanap mapasukan. Example ko nalang
nakilala ko d2 mahigit na siang 15 yrs na d2 sa japan wala daw sia uwiaan sa pinas at may pamilya sia sa pinas sa gusto niang kumita ng pera ipadala nia sa pamilya nia nagawa nia tiisin
di umuwi sa pinas....
Kaya lang sa gusto niang yumaman at magka visa dito sa japan marami sia nagagawa di na
legal tulad ng paghahanap ng asawa hapon kahit peke yun papel at bayaran yun nagpapagamit
ng na peke kasal. Pera kailangan kaya kapit sa presyo para magkavisa lang meron masuwerte
nabibigayan ng visa sa peke, meron naman naloloko at nakukulong pag nabibisto ng immigration.
Meron naman nag papaalipin naman sa "YAKUSA" kalahati ng kita ibibigay dun para lang itago
sia ng yakusa, yun iba naman nabili ng visa or alien card or peke gawa ng illigal. lahat yan nakaka
lusot sa minsan sa mga immigration pero pag nahuli naman baksak mo agad sa kulungan ang
mahirap nun paano pera nagastos mo naging "BATO" paano?
Marami disadvantage good advantage pag T.N.T sa bansa meron umaasenso meron naman
parang kandila naupos dahil sa pera pinaghirapan na bulang nawala lang, kaya meron din dito
nagsuicide dahil sa ganun problema sa takot bumalik sa pinas dahil wala madadala pera,
Umalis sa pinas na wala babalik rin wala. T.N.T nagiging dahilan rin ng pagkasira ng pamilya
sa tagal di paguwi natutukso maghanap ng bago pamilya, T.N.T din minsan dahilan bakit
nawawalan ng tiwala ang ibang bansa na magbigay ng "VISA" tourist sa iba aplikante.
Kabayan ito isang opinion lang para sa mga kabayan natin na malakas ang loob mag T.N.T
Advice lang sa mga nag trabaho na T.N.T matuto tayo mag ipon at ipon na dapat para
sa puhunan iyong bagong buhay sa pagbalik mo sa pilipinas. Mabuhay ka kabayan.