Google

Saturday, January 26, 2008

ABORTION: Okey sa abroad bakit sa pinas bawal

Heto naman ako topic ko is "ABORTION" sa lahat ng bansa mapa international or ma pa Asia okey, pero pinas lang ang againts sa abortion. Sa akin opinion oki ang abortion kung mga bata pa at di pa kaya sa responsibilidad tulad sa idad na 15 yrs old.


Bakit oki sa akin yun dahil ang idad na 15 yrs old, wala pa alam paano buhayin ang sarili nia,
so paano pa ba yun magiging anak nia kung bubuhayin nia yun. Ang alam ko di masama ang
abortion kung ito a maaga niya ito ipapaalis tulad ng one month di pa ito tao kaya puede pa at
di nakakatakot ipaabort dahil dugo pa yan ang sabi ng mga doktor na dalubhasa sa midisina.

Kung lalawakan natin ang pangunawa sa salita abortion ito rin makakatulong sa mga tao mahihirap at di kaya marami anak. Ang abortion din ay nakakatulong din sa tao lalo na sa mga
umiiwas sa iskandalo. Wag natin bigyan ng masama ang salitang ABORTION nasa rason ang
paggawa kung bakit yun iba nag papaabort. Erespeto natin bakit ang iba nagagawa nila iyon.

1 comment:

Ambo said...

Malawak ang usaping ito at matagal ng panahon itong pinagdedebatehan lalo na sa atin. Una, kaya bwal sa Pinas sa aking opinyon, e tyo ay bansang Kristyano na naniniwala sa mga aral ng Dios. Sagrado ang paniniwala natin lalo na ang relihiyong katoliko. Ang pakikialam ng simbahan sa ating batas ay isang malaking impluwensiya kaya hindi matanggap sa atin ang aborsyon. Para sa akin, di ako pabor sa aborsyon. Ang pagkitil ng buhay na nasa loob pa lamang ng tyan ay wlang pinagkaiba sa taong pinatay sa kangkungan. kung bata pa ang nagkataong nabuntis, maari namang alagaan ng mga magulang ang bata o di kaya ipaampon muna sa mga institusyon kung di pa talagang handa ang batang nagbuntis. e yan ay aking kuro-kuro lamang hehehe.