Mga kumare may bago ako topic sainyu payag ba kau ihantulad sa tsinelas? Ako ayaw ko pero parang tutuo kasi ibang lalaki mahilig talaga mamangka sa dalawa ilog "kasabihan". Sabi nila
pag lalaki daw nasa labas ng bahay buhay binata at oki lang sa kanila makipag "flirting" sa iba.
Tulad ng may mga "kabit" na or number two.... sabi ng matatanda ang asawa daw kahit daw lumilipad sa ibang pugad uuwi parin daw sa inahin... sa bago kasabihan naman daw sa panahon ng taon 2008 kahit ano bago sapatos daw gamit ng asawa...uuwi parin sa bahay sa tsinelas parin
ang gamit. Minsan ang mga kasabihan ay tutuo tintulad sa bagay ang buhay ng tao.
Tulad sa sinabi ko, ang bago sapatos lagi mo ginagamit nilalabas pinagmamalaki, pero pag uuwi na sa bahay hinuhubad pinapalitan ng tsinelas kahit ito luma na. Ganun daw ang asawang babae
na legal, kahit ang asawa kumakaliwa uuwi at uuwi parin sa tunay na pamilya. Mahirap tanggapin pero natutulad talaga sa mga bagay tulad ng sapatos at tsinelas ang buhay ng tao.
Pero ngayon meron na "woman right sa sa pinas at annulment" at matatapang na rin mga kakabaihan at matatlino na kaya minsan ang kasabihan ng matatanda dina pinapaniwalaan ng
mga kakababaihan. Umiiral na yun power of woman kasi nagagawa na ng babae ang nagagawa
ng lalaki "tama ba ako". Ang tingin ko mas mayaman na ang babae sa mga kalalakihan dahil
mas marami na offer na work sa mga babae sa ibang bansa. Mga pare kew wag kau magagalit
opinion lang to sa mga lalaki kaliwete.......hehehe (tamaan wag magagalit).
Saturday, February 2, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
Parang ayaw kong magcomment dito haha. Di ibig sabihin nun me number 2 ako kasi single pa ako talaga haha. I hope wag mangyari sa akin ito. Pinalaki ako ng mga magulang ko ng may takot sa Dios. Pero sa aking pananaw, likas na sa mga kalalakihan ang mga ganitong bagay. Di ko masabing abnormal yun pero minsan tao lang tayo at madalas nadadala sa ibang mga pangangailangan. Pero nangyayri din naman ito sa ilang mga kababaihan *peace* hehe. May mga babae din namang nangangaliwa at di lamang kaming lalakwe hahaha.
hi ambo thanks sa comment mo para naman yun sa mahilig sa chicks e. may new ako article baka may comment ka, visit ka ulit sa site ko. thanks
whats this language? philipino?
Free Running
Hi ankur, thanks for the visit, the language i use is Pilipino.
Post a Comment